Add parallel Print Page Options

19 Sapagka't nalalaman ko na ang kahihinatnan nito'y sa aking ikaliligtas, (A)sa pamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan (B)ng Espiritu ni Cristo,

20 Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, (C)sa anoma'y hindi ako mapapahiya, kundi (D)sa buong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng kabuhayan, o sa pamamagitan ng kamatayan.

21 Sapagka't sa ganang akin (E)ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang.

Read full chapter